Forever Alone

(This was published in print in the 18th issue of The Manila Collegian on February 13, 2012.)

Written by Angelo Dennis Agdepa

Mabuti pa ang e-mail, may attachments …

Matagal-tagal na rin pala simula noong lumisan ka at iwanan ako. Ang bilis ng panahon, parang dati lang ikaw ang iniisip ko, tapos ngayon biglang … ikaw pa rin. Totoo pala, na kapag iniwanan ka, ang dami sa’yong magpapayo ng “move on,” pero paano nga ba magpaalam sa isang taong nangako sa iyo ng magpakailanman? Minsan kasi, kahit ilang beses nang sabihin ng utak mong “tama na,” pilit pa ring sinasabi ng puso mong “konting tiis pa.”

Bakit ang asin may paminta? Bakit ang puto may dinuguan? Pagkatapos, sa Adobo, magkasama naman ang toyo at suka? Simula noong mawala ka, hindi ko na maranasan ang pinakamasarap na feeling sa mundo: ang maka-feeling ka. Alam ko, marami nang natapos at nagbago — pero nandito pa rin ako, nag-iisa, hinihintay ang pagbalik mo — kahit imposible na. Kung marunong lang sana ang lahat na tumupad sa mga salitang kanilang binibitawan, eh ‘di sana walang taong umaasa at nasasaktan. Masakit dahil iniwan mo ‘ko, pero mas masakit kasi sumuko ka na kahit alam mong maaayos pa ang gulo.

Ngayon, inaalala ko ang mga pagkakataong nakasama kita. Pinipilit kong bumalik sa mga lugar ngunit hindi na ko makababalik pa sa panahon. Maaaring makita kita ulit sa dyipni, kalsada, o bago magsara ang pintuan ng tren — ngunit hindi ko na maibabalik ang kahapon. Tulad ng Facebook at Twitter profile mong tinitignan ko pa rin (gamit ko ang account ng iba), ang mga lugar na iyon ay bintana na lang ng kahapon, paminsan-minsan gusto mong masulyapan muli. Isang kakaibang gunita — sabay bulong sa sarili na sana’y makabalik at maitama pa ang mga maling desisyon ng pagkakataon.

Para kang trapik sa EDSA, kasi I just can’t move on. Pero kahit mahirap, kakalimutan na kita. Mahirap lang naman kalimutan ka kasi palaging mayroong inggit at pangungulila tuwing may nakikita akong magkasintahan — magkadikit, magkayakap at magkahawak-kamay. Mabuti pa ang lumang dyaryo, yakap-yakap ang isda. Mabuti pa ang bubblegum, laging mayroong nadidikitan. At mas maswerte ang iyong cellphone, nahahawakan ng iyong mga kamay.

Pero hindi kaya’y minsan nalilinlang na rin ako ng sarili kong damdamin? Na akala ko nasasaktan pa rin ako pero ang totoo’y naaalala ko lang talaga yung pakiramdam na nasaktan ako ng lubos? Tingin ko, pareho lang din ‘yon sa pag-aakalang mahal pa kita, pero ang totoo, naiisip ko lang madalas ay yung pakiramdam ko dati na minamahal ka. Kung naging ganito na ako katanga, pwes kakalimutan na kita — dahil walang gamot sa katangahan kundi pagkukusa.

Tulad ng Tetris Battle, kukumpletuhin ko muna, kahit pauntiunti ang aking sarili —at saka hahanapin ang isang taong makakasama ko. Sana kasing dali ng pag-ibig ang DOTA, pero hindi. Hindi rin naman ako 9gag meme para makapagpatawa palagi ng isang babaeng sinisinta. Mabuti pa ang mga snatcher, palaging may naghahabol. Mabuti pa ang Galunggong, nasasabihan ng “mahal.” Mahirap maghanap ng kapalit, mahirap maging masaya — pero kailangan subukan kahit ang simula’y paghikbi at pagluksa.

Random Fact

Sa tuwing naririnig ko ang Mad na kanta ni Ne-Yo, naaalala ko ex girlfriend ko. Yun kasi yung song na lagi kong pinaparinig sa kanya kapag nagkakatampuhan kami or worse, nag-aaway. Bale naging favorite song namin yung Mad… nililigawan ko pa lang siya, gustong gusto na namin yung song na yun.

#RF  

(via hspyongco-deactivated20120220)

accioron:

crashing-castles:

Deaths in Harry Potter.

inangbayan:

Trees

(via ayemanapat-deactivated20111123-)

(via lexipettyfer)